^

Metro

Big-time na ‘tulak’ nagbigti sa selda

-
Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isa sa apat na naarestong tulak ng ilegal na droga na mga tauhan ng sinalakay na mini shabu laboratory sa Parañaque City sa loob ng kanyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ng kanyang mga kasamahan ang wala nang buhay na biktimang si Joselito Vidal, 39, sa loob ng kulungan ng Regional Anti-Drug Special Operations Task Force (RAID SOTF).

Ayon kay Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., Intelligence chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti gamit ang isang nylon cord na ipinulupot sa kanyang leeg at itinali sa magkabilang rehas na bakal.

Matatandaang naaresto si Vidal noong Abril 9 sa isinagawang buy-bust operation ng RAIDSOTF sa harap ng isang fastfood chain sa Baclaran.

Napag-alamang isang police poseur-buyer ang bumili ng 88 gramo ng shabu kay Vidal sa halagang P900,000.

Nang magkapalitan na ng droga at pera ang mga ito ay agad na nagsulputan ang iba pang kagawad ng pulisya na ikinaaresto rin ng tatlong kasamahan ni Vidal. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

CAMP BAGONG DIWA

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDWIN BALASA

FELIPE ROJAS JR.

JOSELITO VIDAL

LORDETH BONILLA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SR. SUPT

TAGUIG CITY

VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with