TMG tuturuan ng Taekwando
April 18, 2006 | 12:00am
Upang higit na maging epektibo ang pagsugpo sa kriminalidad, tuturuan ni Taekwando international champion at action star Monsour del Rosario ng self defense ang mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG).
Ang naturang hakbang ay sa gitna na rin ng impresyon sa pagiging ‘trigger happy’ ng mga pulis at ilang ulit na kontrobersyang kinasasangkutan ng PNP-TMG katulad ng sinasabing shootout laban sa mga hinihinalang carjackers noong nakaraang taon at pamamaril sa isang negosyante na napagkamalan namang carjacker sa Pasig City nitong nakalipas na buwan.
Ayon kay PNP-TMG director Chief Supt. Errol Pan, sasanayin ni del Rosario ang mga TMG cops sa larangan ng self defense na kanilang epektibong magagamit sa mga operasyon partikular na sa anti-carjacking.
"I will teach them the fighting technique to disarm an assailant, discipline at character building lang ito, hindi sa lahat ng oras kailangang bunutin ang baril," ayon pa kay del Rosario. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest