^

Metro

Pulis vs holdaper, paslit dedo

-
Nasawi ang isang 10-anyos na babae makaraang tamaan ito ng ligaw na bala sa ulo nang magpalitan ng putok ang mga kagawad ng pulisya at isang grupo ng mga holdaper, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa ulo mula sa ’di pa mabatid na kalibre ng baril ang biktimang si Janet Caballero, ng 37 Road 1, Doña Petra, Brgy. Concepcion Uno, nabanggit na lungsod.

Arestado naman ang dalawa sa anim na suspect na kinabibilangan ng isang Gerard Vizconde, 28 at isang 15-anyos na binatilyo na pawang mga residente ng San Mateo, Rizal.

Ayon kay Police Sr. Insp. Joe Ogbac, hepe ng Criminal Investigation Division ng Marikina Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa Bayan-bayanan Ave., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Nabatid na nag-ugat ang pagresponde ng pulisya makaraang makatanggap ang mga ito ng isang tawag mula sa isang concerned citizen na may isang grupo ng kalalakihan ang naglalaro ng baril.

Nang patungo na ang mga kagawad ng pulisya sa nabanggit na lugar ay unang namataan ang mga ito ng mga suspect.

Dahil sa labis na pagkabigla umano ng mga suspect sa hindi inaasahang pagdating ng mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga ito, dahilan upang gumanti na rin ng putok ang mga pulis.

Sa gitna umano ng palitan ng putok ng magkabilang panig ay eksakto namang dumaan ang paslit na minalas na masapol ng ligaw na bala sa ulo nito.

Makaraan ang ilang minutong palitan ng putok at habulan ay naaresto ang dalawang suspect, habang nakatakas naman ang apat na kasamahan ng mga ito na nagpag-alamang pawang mga responsable sa serye ng nakawan at holdapan sa nabanggit na lugar. (Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BRGY

CONCEPCION UNO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDWIN BALASA

GERARD VIZCONDE

ISANG

JANET CABALLERO

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with