^

Metro

CPP balakid sa pag-unlad ng Pinas

-
Mananatiling balakid sa pagbangon ng bansa ang patuloy na pamamayagpag ng communist insurgency na isa sa mga pangunahing problema ng pamahalaan.

Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales ang rebelyon ay patuloy na nagpapalala sa kahirapan at sagabal sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi ni Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), dapat na buwagin ng gobyerno ang communist insurgency kung nais nitong matanggal sa third-world image ang bansa sa mga susunod na tatlo hanggang limang taon.

Aniya, sinasabotahe din ng communist insurgecy ang economic development sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bomba at pananakot sa mga negosyante sa pamamagitan ng paghingi ng revolutionary tax.

"Walang pinagkaiba ang NPA rebels sa mga anay na unti-unting sumisira ng bahay," ani Gonzales. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

GONZALES

MANANATILING

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PARTIDO DEMOKRATIKO-SOSYALISTA

PILIPINAS

SINABI

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with