Bank executive nag-suicide
April 13, 2006 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang assistant bank manager sa loob mismo ng bankong kanyang pinaglilingkuran kahapon ng umaga sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Scene of the Crime Operation (QC-SOCO) isang tama ng bala ng baril ng .38 cal. rev. sa sentido ang tumapos sa buhay ni Ruben Cruz, 36, ng 15-C Maingap St. Teachers Village, Quezon City. Si Cruz ay assistant manager ng Bank of the Philippine Islands (BPI) Katipunan Branch.
Ayon kay PO3 Jimmy Jimena ng QCPD-Criminal Investigation Division na dakong alas-6:25 nang mag-suicide ang biktima sa loob ng records section ng banko.
Nauna rito, hinahanap umano ng janitor na si Christian Cuevas ang biktima subalit hindi niya ito makita hanggang sa makarinig naman ng putok ng baril ang security guard na si Petronilo Pardon.
Dito na nila natunton kung nasaan ang biktima at nakita na nila itong nakahandusay sa lapag at may tama ng bala ng baril sa ulo.
Ayon pa sa ulat, nagawa pa umanong makapag-text ng biktima sa kanyang misis na si Jane bago nito isinagawa ang pagpapakamatay na nagsabing mahal na mahal niya ang asawa at nagpasalamat ito sa ginawang pag-aalaga sa kanya.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya upang mabatid kung may foul play sa pangyayari.
Hindi pa rin malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng dahilan ng isinagawa nitong pagpapakamatay o kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho sa banko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended