^

Metro

Alitan tinapos sa duwelo, kapwa todas

-
Duwelo sa patalim ang naisip na solusyon ng dalawang ‘astig’ na lalaki upang tapusin ang matagal na nilang alitan dahilan upang kapwa masawi ang mga ito, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Mark Anthony de Vera, 31, ng Doña Consuelo St., samantalang nasawi naman habang isinusugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang ka-duwelo nito na si Conrado Sabaot, 42, residente ng Zamora St. kapwa ng nabanggit na lungsod.

Batay sa nakalap na impormasyon kay Chief Inspector Jose Valencia, hepe ng Caloocan-SID, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng barangay hall sa Brgy. 19 ng Caloocan City.

Bago ang insidente, kasalukuyang nagdidilig umano ng halaman si de Vera nang biglang dumating si Sabaot na armado ng patalim at hinamon nito ng duwelo sa patalim ang una.

Hindi naman nagdalawang isip si de Vera at tinanggap ang hamon ni Sabaot, hanggang sa tuluyang maggirian ang mga ito.

Unang tinamaan si de Vera subalit nagawa pa nito na makapagbunot ng kanyang patalim at masaksak si Sabaot sa dibdib, Ilang segundo pa ay kapwa duguang bumagsak sa lupa ang dalawa.

Ilang kaanak ng dalawang nasawi ang nagsugod sa mga ito sa magkahiwalay na pagamutan subalit kapwa minalas na masawi.

Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa sa hindi binanggit na dahilan. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALOOCAN CITY

CHIEF INSPECTOR JOSE VALENCIA

CONRADO SABAOT

CONSUELO ST.

ILANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MARK ANTHONY

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

ROSE TAMAYO-TESORO

SABAOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with