Kiddie free seat sa passenger bus, iniutos ng LTFRB
April 11, 2006 | 12:00am
Pinaalalahanan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng bus operators na may operasyon sa mga lalawigan at probinsiya na lagyan ng "kiddie free seat" ang mga sasakyan para sa mga batang may tatlong talampakan ang taas.
Ang pahayag ay pinarating ni LTFRB Chairperson Ma. Elena Bautista sa provincial bus operator, partikular sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) upang matiyak ang maayos na akomodasyon ng mga uuwing pasahero ngayong Semana Santa, partikular ang mga pasaherong may dalang maliliit na anak.
Binigyang-diin ni Bautista na kailangang may mga partikular na mauupuan at mapupuwestuhan ang mga maliliit na bata na may taas hanggang 3 talampakan para hindi na maghirap ang kanilang mga magulang na magkandong sa upuan ng mga ito.
Hinikayat din nito ang mga pasahero na isumbong sa kanyang tanggapan ang mga bus companies na hindi naglagay ng kiddie free seat para mabigyan ng kaukulang parusa.
May mahigit 200 Metro Manila buses ang nabigyan ng special permits ng LTFRB para makabiyahe sa mga probinsiya ngayong Semana Santa bilang pandagdag na sasakyan sa inaasahang dagsang mga pasahero.
Nakaantabay na rin mula kahapon ang may mahigit 100 law enforcers ng Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng exit points ng Metro Manila para magbigay ng alalay sa mga motorista bilang bahagi ng Oplan Kalakbay project ng ahensiya ngayong Holy Week. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended