Daza accuser, kinasuhan
April 10, 2006 | 12:00am
Isang dating empleyado ni Quezon City 4th District Representative Nanette Castelo-Daza ang nagsampa ng kasong grave threat laban naman kay Archie Vineles, ang nagparatang ng katiwalian laban sa mambabatas.
Batay sa sworn statement ni Richard Cabrera, pinagbantaan umano siya ni Vineles na papatayin matapos niyang tanggihan ang panghihikayat nito na siraan si Daza hinggil sa isyu ng katiwalian.
Ayon kay Cabrera, nangyari ang pagbabanta ni Vineles noong Pebrero 4 sa isang birthday party ni Danilo Martinez na kasamahan nila sa trabaho.
Kasama sina Michael Bilaya, Frances Pallen at Catalina Guillermo sa party, hinikayat umano ni Vineles ang grupo na sumama sa kanya upang siraan ang mambabatas sa pamamagitan ng pag-iimbento ng mga kwento.
Subalit dahil sa wala naman umanong ginagawang masama ang kongresista sa kanila, tinanggihan nila ang alok ni Vineles na nagresulta naman ng pagbabanta nito sa grupo. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest