^

Metro

Mahigit 10,000 unclaimed driver’s license inaamag sa LTO

-
Inaamag na ang may mahigit 10,000 driver’s license sa Land Transportation Office (LTO) Custodial Center na hindi na tinutubos ng mga motorista mula 2001-2005.

Ayon kay Pacita Polig, dating Custodial Chief ng LTO Custodial Center, kung matutubos lang ng mga driver’s license holder ang mga inaamag na mga lisensiya sa tanggapan, aabutin ng milyong piso ang malilikom dito ng ahensiya.

Ang may mahigit na 10,000 unclaimed license ay mula anya sa mga huli sa North at South Luzon expressway ng mga deputized PNCC personnel, mga huli ng deputized PNP-TMG personnel at mga huli ng LTO flying squad sa Metro Manila at NAIA at domestic airport.

Naghinala naman si Polig na malamang na kaya hindi na tinutubos ng mga driver ang mga kumpiskadong lisensiya ay malamang na nakapag-renew ang mga ito sa ibang LTO office na manual pa rin ang operasyon.

Gayunman, sinabi ni Polig na malamang na ilagay na lamang sa alarm status ang mga may-ari ng unclaimed driver’s license para naman hindi na ang mga ito makakuha pa ng lisensiya sa mga darating na araw. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

CUSTODIAL CENTER

CUSTODIAL CHIEF

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

PACITA POLIG

POLIG

SOUTH LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with