^

Metro

67 bilanggo grumaduate sa QC jail

-
Umaabot sa 67 bilanggo sa Quezon City jail ang nagsipagtapos sa 8-months alternative learning system na magkatuwang na isinagawa ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti, limampu’t-dalawa sa secondary level at 15 estudyante naman sa elementary level ang napagkalooban ng certification na nagpapatunay na kanilang natapos ang kanilang pag-aaral sa nasabing level.

Aniya, patunay lamang ito na kaya pa ring tapusin ng mga inmates ang kanilang pag-aaral bagamat nasa likod sila ng rehas na bakal.

Sinabi ni Panti na nagbigay pa ng P30,000 si Mayor Belmonte para sa karagdagang instructional materials upang mapag-aralan ng mga inmates at mabigyan ng accreditaton at equivalent tests para sa susunod na level ng kanilang pag-aaral.

Nabatid naman kay Belmonte na handa siyang tulungan ang QC jail partikular na ang mga inmates na nagnanais na makamit ang kanilang pangarap bagama’t nasa loob ng kulungan.

Kailangan pa rin umano ng mga bilanggo na harapin ang kanilang mga kaso habang patuloy naman silang natututo mula sa iba’t ibang proyekto ng lokal na pamahalaan at ng BJMP.

Umaasa rin si Mayor Belmonte na marami pang mga inmates na hindi nag-atubiling itulog ang kanilang pag-aaral sa loob ng piitan para kahit papaano ay matupad ang kanilang pangarap. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DORIS FRANCHE

IGNACIO PANTI

JAILWARDEN SUPT

KANILANG

MAYOR BELMONTE

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with