^

Metro

9-anyos ginilitan, itinapon sa Manila Bay

- Angie dela Cruz, -
Isang grade 3-pupil na iniulat na nawawala apat na araw na ang nakakalipas ang natagpuan na lumulutang-lutang sa Laguna de Bay sa Muntinlupa City kamakalawa na ginilitan pa ng hindi pa nakikilalang mga suspect.

Halos naaagnas na ang bangkay ng biktimang si Maximo Aureada Jr., 9, mag-aaral sa Alabang Elementary School at naninirahan sa Purok 1, Brgy. Cupang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, blangko pa rin ang pulisya kung sino ang responsable sa brutal na pagpaslang sa bata, gayunman malaki ang kanilang paniwala na nasa impluwensiya ng droga ang sinumang gumawa nito.

Sa imbestigasyon ni PO2 June Reyes, ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa City, nauna nang iniulat ng ama ng biktima na si Maximo Sr., 43, ang pagkawala ng bata noong nakalipas na Martes.

Huling nakita ng ilang kapitbahay ang biktima na naglalakad dakong alas-5 ng hapon noong Martes patungong Alabang. Mula noon ay hindi na ito nakauwi pa sa kanila.

Kamakalawa naman ng hapon nakita ang bangkay ng biktima na lumulutang sa may Manila Bay sa Purok 8, Wawa, Brgy. Alabang kasama ang kumpol ng water lily.

Matapos maiahon ang bangkay ng biktima, dito nakita na ginilitan ito ng mga salarin. May palatandaan din na pinahirapan muna ang bata bago pinatay at saka itinapon sa tubig.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya ukol dito at ang pagtugis sa suspect o mga suspect.

ALABANG

ALABANG ELEMENTARY SCHOOL

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

ISANG

JUNE REYES

MANILA BAY

MAXIMO AUREADA JR.

MAXIMO SR.

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with