^

Metro

Estudyante pisak sa truck

-
Napisak ang isang 17-anyos na estudyante makaraang masagasaan ng isang rumaragasang truck habang ang una ay tumatawid sa kalsada, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Mary Jean dela Cruz, ng Block 51-B Phase 3-F2, Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.

Sumuko naman kay Senior Inspector Abner Castro, hepe ng Caloocan Traffic Enforcement Group ang suspect na driver na si Eper Empalmado, 30, ng Balut, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-4:40 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Gen. San Miguel St., sa harapan ng Sangandaan Market Trading Center (SMTC).

Nabatid na kasalukuyang tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong mahagip ng truck na may plakang TKM-269 na minamaneho ni Empalmado.

Kaagad na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit minalas na binawian ng buhay.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

B PHASE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

EPER EMPALMADO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MARY JEAN

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN MIGUEL ST.

SANGANDAAN MARKET TRADING CENTER

SENIOR INSPECTOR ABNER CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with