^

Metro

16-oras pagkaantala ng tubig sa Valenzuela, Meycauayan, Obando Water Districts at ilang bahagi ng Malabon City

-
Pansamantalang maaantala ang supply ng tubig sa buong Valenzuela City, Meycauayan Water District at Obando Water District at ilang bahagi ng Malabon City sa loob ng 16 oras, simula alas-10 ng gabi sa Sabado, Abril 8, 2006, hanggang alas-2 ng hapon sa Linggo, Abril 9.

Ang water service interruption ay magbibigay-daan sa paglilipat ng power distribution lines para sa La Mesa Treatment Plant 2 at La Mesa Pumping Station na nasa La Mesa Dam compound, Novaliches, Quezon City, at sa physical internal investigation ng 1200-mm mainline na nasa Maysan Road, tapat ng Fatima College, Valenzuela City.

Ang maaapektuhan ng 16-oras na pagkaantala ng tubig ay ang buong Valenzuela City, Meycauayan Water at Obando Water District, kasama ang Fatima General Hospital at SM Valenzuela. Ang mawawalan naman ng tubig sa Malabon City ay ang Brgy. Maysilo, Panghulo at Santol.

Ang proyektong ito ay naglalayong lalong mapabuti ang serbisyo ng Maynilad sa nasabing lugar.

Ang mga apektadong consumers ay pinapayuhang mag-ipon ng tubig na tatagal ng 16-oras. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626 o mag-text sa Maynilad sa pamamagitan ng SMART 700-1626 para sa water-rationing schedule.

ABRIL

FATIMA COLLEGE

FATIMA GENERAL HOSPITAL

LA MESA DAM

LA MESA PUMPING STATION

LA MESA TREATMENT PLANT

MALABON CITY

MAYNILAD

OBANDO WATER DISTRICT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with