House boy sa bigong masaker, sumuko
April 6, 2006 | 12:00am
Sumuko na kahapon sa pulisya ang house boy na responsable sa bigong masaker sa tatlong paslit na magkakapatid at sa yaya ng mga ito noong nakaraang buwan sa Caloocan City.
Kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City police at nahaharap sa kasong 4-counts of frustrated homicide ang suspect na si Pepito Joson, 55.
Inako naman ng suspect ang tangkang pagpaslang sa magkakapatid na sina Sheena Pearl Ampicio, 11; Wendell, 7 at Rodel, 4 at sa yaya nilang si Honey Fajardo, 27.
Nabatid sa ulat na unang nagtag o ang suspect sa isa nitong kaibigan sa Bulacan hanggang sa maisipan nitong sumuko sa dati niyang amo na si Pastor Lee.
Ayon sa suspect, pinagsisisihan niya ang lahat ng kanyang ginawa at konsensiya na rin ang siyang nagtulak upang sumuko na siya sa mga awtoridad.
Magugunitang naganap ang insidente Marso 20, 2006 ng madaling araw sa bahay ng pamilya Ampicio sa Lot 14 Phase 3 F-1, Dagat-Dagatan, Caloocan City. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended