^

Metro

4 kilabot na ‘robbers-on-wheels’ nasakote

-
Arestado ang apat na mga pedicab driver na pawang mga kilabot na miyembro ng ‘robbers-on-wheels’ makaraang maaktuhan ito sa isinagawang night watch operation ng Northern Police District (NPD), na hinoholdap ang isang ginang, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Iprinisinta kahapon ng umaga ni NPD director Police Chief Supt. Leopoldo Bataoil kay NCRPO Regional Director Vidal Querol ang mga suspect na sina Alejandro Rosario, 22; Rene Salvador, 20; Eric dela Cruz, 20; at Kenjie Orence, 18, na pawang mga residente ng PNR Dormitory, Sangandaan, Brgy. 5, nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO2 Albert Eustaquio, may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng Sangandaan Public Market na matatagpuan sa Samson Road, Caloocan City.

Sa pahayag ng biktimang si Ruth Allosada, 30-anyos, residente ng Torres Bugallon St., Brgy. 5, Caloocan City, kasalukuyan siyang nag-aabang ng masasakyan sa nasabing lugar kasama ang isang Ronnie Binaoro, 25-anyos nang bigla silang pinaikutan ng mga suspect na pawang nakasakay ng kani-kanilang mga pedicab.

Nagsilbing look-out umano ang dalawa sa mga suspect, habang ang isa sa kanila ay agad na sinapak si Binaoro at kinuha ang back-pack nito.

Kinuha rin ng mga suspect ang 8210 na cellular phone ni Allosada at ang P600 cash money nito.

Masuwerte naman na naispatan ng nagpapatrulyang pulis ng Night Watch Operatives ang nasabing insidente kung kaya’t agad na inaresto ang mga suspect.

Napag-alaman na modus-operandi ng mga suspect ang magkunwaring namamasahero gamit ang kani-kanilang mga pedicab subalit kapag nakahanap ng tiyempo ay hinoholdap ng mga ito ang kanilang mga pasahero. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALBERT EUSTAQUIO

ALEJANDRO ROSARIO

BRGY

CALOOCAN CITY

KENJIE ORENCE

LEOPOLDO BATAOIL

NIGHT WATCH OPERATIVES

NORTHERN POLICE DISTRICT

POLICE CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with