^

Metro

OFW umihi sa pader, inatado

-
Agad na nasawi ang isang overseas Filipino worker (OFW), habang malubha namang nasugatan ang kasamahan nito makaraang makursunadahan ang mga ito habang umiihi sa isang pader at pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng malulubhang tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Daniel Quitoriano, 30-anyos at residente ng Santa Ana, Pateros, habang kasalukuyan namang inoobserbahan sa Ospital ng Makati ang kasamahan nito na si Roberto Perin, 26, na residente naman ng Block 108, Lot 6, J. Perfecto St., Barangay Rizal, Makati City.

Isang manhunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya para sa isang grupo ng kalalakihan na agad na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Commando Bridge, Taguig City.

Kasalukuyan umanong umiihi sa isang pader ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang biglang dumaan ang mga lasing na suspect at agad na pinagtulungang inundayan ng sunud-sunod na saksak ang mga una.

Napuruhan sa maseselang bahagi ng katawan si Quitoriano na naging sanhi ng agarang kamatayan nito, habang si Perin naman ay nagawa pang maisugod sa pagamutan ng ilang mga concerned citizens na nakakita sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)

BARANGAY RIZAL

COMMANDO BRIDGE

DANIEL QUITORIANO

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

PERFECTO ST.

ROBERTO PERIN

SANTA ANA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with