^

Metro

Life sentence para sa babaeng ‘tulak’

-
Parusang habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC), sa isang babae makaraang mapatunayang guilty ito sa kasong drug pushing.

Bukod dito, bilang multa sa nasabing kaso ay pinagbabayad din ng P800,000 ni QC RTC Judge Jaime Salazar ng Branch 103 ang akusadong si Wengan Bacarat, nasa hustong gulang, tubong Mindanao at residente ng Fairview, Quezon City.

Si Bacarat ay napatunayang nagkasala sa kasong paglabag sa R.A. 9165 dahil 503.17 gramo ng shabu na nakuha sa kanyang posesyon sa isinagawang buy-bust operation noong nakalipas na Marso 10, 2003 hindi kalayuan sa bahay nito sa Quezon City.

Sa rekord ng korte, tinangkang bentahan ng akusado ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng P500.00 na marked money na nagresulta sa pagkaaresto ng una. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKOD

CRUZ

FAIRVIEW

JUDGE JAIME SALAZAR

MARSO

MINDANAO

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SI BACARAT

WENGAN BACARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with