15-30 cops pinapatutukan ni Bataoil
April 4, 2006 | 12:00am
Masinsinang pinapatutukan ngayon ni Northern Police District (NPD) director Police Chief Supt. Leopoldo Bataoil, ang isyu hinggil sa 15-30 cops sa kanyang kinasasakupan, partikular na sa lahat ng mga police stations sa CAMANAVA area.
Sa panayam ng PSN kay Bataoil, sinabi nito na isang direktiba ang kanyang inilabas para sa lahat ng mga opisyal ng kapulisan ng NPD kabilang na ng lahat ng mga chief of police ng ibat ibang himpilan ng pulisya dito upang magsumite ng kani-kanilang accounting report at status ng kanilang mga tauhan.
"I am giving them until this Wednesday to submit their reports," pahayag pa ni Bataoil.
Tinawag din ni Bataoil na mga "bulok na kamatis" na nakakasira sa imahe ng PNP ang mga tinaguriang 15-30 cops.
Sinabi pa ni Bataoil na ang naturang hakbang ay bilang pagtugon sa isinagawang inspection ng National Police Commission (NAPOLCOM), noong nakaraang linggo sa kanyang kinasasakupan upang alamin kung sinu-sino pa ang mga tinaguriang mga 15-30 cops sa kanyang kinasasakupan.
Una nang inihayag ni Bataoil sa PSN na hawak na niya ang listahan ng 15-30 cops subalit tumanggi siyang ibigay ang iba pang pangalan ng mga nasabing pulis para na rin umano sa proteksiyon ng mga ito hanggat isinasagawa pa ang imbestigasyon hinggil dito.
Nangako naman si Bataoil na kanyang ilalahad ang resulta ng isusumiteng report at hindi anya siya mag-aatubiling bigyan ng kaukulang parusa ang lahat ng pulis sa kanyang kinasasakupan na mapapatunayang kabilang sa 15-30 cops.
"As part of the continuing effort of police service... we are watchful over reported policemen as 15-30," pahayag pa ni Bataoil.
Unang nabunyag ang sindikato ng 15-30 cops na napag-alamang matagal nang umiiral makaraang magsagawa ng inspection ang NAPOLCOM sa lahat ng kapulisan sa CAMANAVA.
Kamakailan ay sinibak sa kanyang pwesto si P/Supt. Lino Garcia, sub-station commander ng Caloocan City Police makaraang umanoy madawit ang pangalan nito sa modus-operandi ng 15-30 cops.
Sinasabing P5,000 kada 15-araw ang ibinibigay ng isang 15-30 cop sa kanyang opisyal kapalit ng pagtatakip sa hindi nito pagtupad sa kanyang sinumpaang tungkulin at pagkunsinti sa pagliban nito.
Kabilang sa umanoy mga pulis na nadadawit ang pangalan sa 15-30 cops ay ang mga tauhan ni Garcia na sina SPO3s Manuel Quizon, Ernesto Mangahas, SPO2 Renato Chua, SPO1 Ibarra Salonga, PO3 Arnold Panganiban at PO2 Danilo Arellano.
Nabatid pa na imbes na atupagin ang kanilang sinumpaang tungkulin ay ibat ibang negosyo ang pinagkakaabalahan ng ibang 15-30 cops at bukod pa rito ay tumatanggap din ng double compensation ang iba namang 15-30 cops na konektado sa pribadong serbisyo. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest