Empleyada ng call center patay sa 3 holdaper
April 4, 2006 | 12:00am
Sabog ang ulo at agad na nasawi ang isang 27-anyos na empleyada ng isang call center makaraang manlaban ito at tumangging ibigay sa tatlong holdaper ang kanyang mamahaling cellular phone, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Pasig General Hospital ang biktimang si Charlene Santos, empleyada ng Info XX Call Center sa Ayala, Makati City at residente ng #30 Florendo St., Vista Verde, Cainta, Rizal dahil sa tinamo nitong isang tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo na lumagos sa bunganga nito.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan ng tatlong mga holdaper na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Ayon kay P/Supt. Romeo Abaring, officer-in-charge ng Pasig City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa kahabaan ng Ortigas Avenue Floodway, Brgy. Rosario, Pasig City.
Nabatid na kasalukuyang lulan ng isang pampasaherong Mitsubishi Adventure na may plakang TWP-939 ang biktima kasama ang iba pang pasahero nang biglang maglabas ng baril at magdeklara ng holdap ang tatlong suspect.
Agad na kinulimbat ng mga suspect ang pera at mahahalagang gamit ng mga pasahero at nang kunin ng isa sa mga suspect ang cellular phone ng biktima na nagkakahalaga ng P25,000 ay pumalag ang huli na ikinairita ng suspect.
Agad na binaril ng isa sa mga suspect ang biktima nang malapitan sa ulo nito.
Sinubukan pang dalhin ng driver ang biktima sa nabanggit na pagamutan subalit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended