^

Metro

3 miyembro ng gun running syndicate timbog sa buy-bust

-
Tatlong miyembro ng gun running syndicate ang nasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Roger James Brillantes, hepe ng QCPD-DIID ang mga dinakip na sina Cairoden Nanak, 44, negosyante at Alvin Cadongog, 27 kapwa residente ng Lot 3 Blk. 11 Longfield Subdivision, Novaliches, Q.C. at Jomar Cusain, 23 ng no. 442 Welfareville Subdivision, Mandaluyong City.

Lumilitaw sa report na dakong alas-7:30 ng gabi nang magkasundo na magkita sa isang fastfood chain sa Philcoa ang mga suspect at si PO3 Reynaldo Yap na nagpanggap na buyer.

Naghihintay naman ng senyas mula kay Yap sina Insp. Dante Yang at PO3 Noel Fabia.

Nang ipinakita ni Nanak ang ibinebentang baril na cal. 22 revolver, agad namang sumenyas si Yap sa mga kasamahang pulis hanggang sa madakip ang mga ito .

Nabatid na bukod sa baril, nagbebenta din ng shabu ang mga suspect matapos na makuha sa bulsa ni Cadongog ang 100 gramo ng shabu at isang mini digital scale naman sa bulsa ni Cusain.

Ayon pa kay Brillantes matagal na nilang minamanmanan ang mga suspect na nagsasagawa ng transaksyon sa lungsod hanggang sa isagawa ang buy-bust operation laban sa mga ito.

Ang mga ito ay sasampahan ng paglabag sa PD 1866 at RA 9165 sa Quezon City Prosecutors Office. (Doris Franche)

ALVIN CADONGOG

CAIRODEN NANAK

DANTE YANG

DORIS FRANCHE

JOMAR CUSAIN

LONGFIELD SUBDIVISION

MANDALUYONG CITY

NOEL FABIA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with