Patayan sa Pasig bubusisiin
April 2, 2006 | 12:00am
Hiniling ni Pasig City Congressman Robert "Dudut" Jaworski sa lokal na pulisya ng lungsod na magsumite ng listahan ng mga murder case incident dahil sa sunud-sunod na patayan sa lungsod.
Ayon kay Jaworski, masyado siyang nababahala sa sunud-sunod na patayang nangyayari sa lungsod na ang mga biktima ay hindi lang pangkaraniwan kundi malalaking tao katulad ng mga negosyante at pulis.
"I am very concerned in the number of incidents of murder cases reported here in Pasig City," saad ni Jaworski.
Dagdag pa ng solon, may natanggap siyang impormasyon na ang ibang patayang nagaganap sa lungsod ay hindi naiuulat o itinatago ng pulisya. "Napatahimik. Hindi nalalaman kung naireport ba yung mga insidente o hindi," ayon pa kay Jaworski.
Dahil dito, hiniling niya kay Sr. Supt. Romeo Abaring na magsumite ng mga listahan ng patayan na nangyari sa loob ng anim na buwan sa kanyang tanggapan.
"Baka may trend na o may state of lawlessness. Hindi na ma-resolve ng pulisya," saad ng kongresista.
Matatandaang nito lang nakalipas na buwan ay sunud-sunod na patayan ang naganap sa lungsod na kinabibilangan ng mga kilalang negosyante at opisyal ng pulisya.
Kabilang dito ang pamamaslang kay Leonardo Umale, isang kilalang negosyante na inambus ng apat na kalalakihan noong Marso 16 sa harap ng kanyang pagmamay-aring strip mall, ang Pearl Plaza sa Ortigas Center. Sinundan naman ito noong Marso 26 nang patayin si SPO2 Ramon Borre, nakadestino sa Quezon City Police District (QCPD) nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo malapit sa kanyang bahay sa Brgy. Pinagbuhatan. Tatlong araw ang nakalipas ay inambus naman si P/Major Renato Marasigan habang sakay ng kanyang Pajero, papasok sa kanyang tanggapan sa Camp Crame. Ito ay nagtamo ng walong tama ng bala; apat sa ulo at apat sa katawan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended