Nakilala ang nasawi na si Jaime Orsenado Jr., 18, 3rd year college sa San Juan de Dios Hospital. Nagtamo ito ng tama sa kanang sentido mula sa kalibre .45 baril na service firearm ng kanyang ama na si Col. Jaime Orsenado Sr.
Ayon sa pahayag ng nobya ng biktima na si Kathlyn Joy Garcia kay SPO1 Conrado Mapili, ng Criminal Investigation Unit, ng Taguig City Police na kamakalawa ay nagkaroon sila ng kaunting pagtatalo subalit madali naman nilang naayos ang kanilang gusot.
Nabanggit din sa kanya ng kanyang nobyo na labis itong nagdaramdam sa kanyang pamilya, dahil sa pagtrato sa kanya na parang katulong kaya mababa ang kanyang mga nakuhang marka sa eskuwela.
Dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang matuklasan ang ginawang pagpapakamatay ng batang Orsenado.
Ang bayaw nitong si Michael Cordova ang nakatuklas sa bangkay ng biktima.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya. (Lordeth Bonilla)