^

Metro

Nursing student nagbaril sa sarili

-
Isang nursing student ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili matapos na magdamdam dahil sa umano’y pagtrato sa kanya ng kanyang kasambahay na mistulang ginawa siyang katulong sanhi upang mababang grado ang kanyang makuha sa paaralan, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Jaime Orsenado Jr., 18, 3rd year college sa San Juan de Dios Hospital. Nagtamo ito ng tama sa kanang sentido mula sa kalibre .45 baril na service firearm ng kanyang ama na si Col. Jaime Orsenado Sr.

Ayon sa pahayag ng nobya ng biktima na si Kathlyn Joy Garcia kay SPO1 Conrado Mapili, ng Criminal Investigation Unit, ng Taguig City Police na kamakalawa ay nagkaroon sila ng kaunting pagtatalo subalit madali naman nilang naayos ang kanilang gusot.

Nabanggit din sa kanya ng kanyang nobyo na labis itong nagdaramdam sa kanyang pamilya, dahil sa pagtrato sa kanya na parang katulong kaya mababa ang kanyang mga nakuhang marka sa eskuwela.

Dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang matuklasan ang ginawang pagpapakamatay ng batang Orsenado.

Ang bayaw nitong si Michael Cordova ang nakatuklas sa bangkay ng biktima.

Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya. (Lordeth Bonilla)

CONRADO MAPILI

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DIOS HOSPITAL

ISANG

JAIME ORSENADO JR.

JAIME ORSENADO SR.

KATHLYN JOY GARCIA

LORDETH BONILLA

MICHAEL CORDOVA

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with