Ito ay matapos na pumasa ang resolusyon ni Councilor Lourdes "Bonjay" Isip na humihingi ng malalim na pagsisiyasat sa naturang insidente noong Marso 23, 2006.
Sinabi ni Kon. Bonjay na ang nasabing imbestigasyon ay gagawin ng buong Konseho o "Committee of the Whole" sa susunod na linggo.
Iginiit pa nito na kailangang imbestigahang mabuti ang pangyayari sa "basin" ng tanke na may 24,000 bariles ng gasolina na maaaring magdulot ng malaking kapahamakan at malaking pinsala sa mga residente ng Pandacan at maging sa publiko.
Lumalabas din sa pag-aaral ng eksperto na ang depot ay delikado sapagkat maliit na pagkakamali ay maaaring magpasiklab sa lugar at kapag sumabog ito ay babaha ng liquid fuel sa Ilog-Pasig kayat manganganib ang mga barko at masisira ang ekolohiya.
Bukod dito, dapat magbigay ng eksplanasyon ang mga higanteng kompanya ng langis tulad ng Caltex, Shell at Petron na siyang nangangasiwa sa depot kung ano ang tunay na nangyari at nagkaroon ng "spill over" ng gasolina. (Gemma Amargo-Garcia)