^

Metro

Major Marasigan pinatahimik sa shabu

- Edwin Balasa -
Posibleng mga kabarong pulis din ni Police Major Renato Marasigan ang pumaslang sa kanya.

Ito’y matapos na ikalat ng huli ang isang open letter na tumutuligsa sa ilang pulis sa Pasig City dahil sa nadiskubreng ‘shabu tiangge’ sa lungsod kamakailan.

Napag-alaman na noong Sabado ikinalat ni Major Marasigan ang kanyang open letter na nagsasaad kung paano nadungisan ang dati’y marangal na pangalan ng Pasig Elite dahil sa ilang tiwaling miyembro nito na dahil lamang sa pera na ikinadamay ng iba pa.

"Today, nothing is left for the "elite" but to nurture the embarrasment caused by some rogue cops operating within the station," bahagi ng sulat ni Marasigan.

Napag-alaman din na ibinigay na ni Marasigan ang mga listahan ng mga tiwaling Pasig police na sangkot sa pag-ooperate ng shabu tiangge sa Mapayapa Compound Brgy. Sto. Tomas na ikinaaresto ng mahigit sa 300 katao.

Ang listahan ng mga tiwaling pulis ay kinumpirma din ni Pasig City Congressman Robert "Dudut" Jaworski kahapon at sinabing magkatulong sana sila ni Marasigan na magsasagawa ng imbestigasyon para makakuha ng sapat na ebidensiya.

"Dalawa sana kaming magsasagawa ng imbestigasyon pero pinatahimik na siya. Sabado yung open letter niya, pagdating ng Miyerkules pinatahimik na siya," saad pa ni Jaworski.

Samantala, bukod sa nasabing anggulo, sinisilip din ng pulisya ang awayan sa lupa matapos na mapag-alaman na may biniling lupa si Marasigan sa labas ng Metro Manila subalit may naghahabol dito.

Matatandaang inambus si Marasigan, na nakadestino sa Internal Affairs Service sa Camp Crame ng anim na armadong kalalakihan habang lulan ng kanyang puting Pajero malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Malinao, Pasig City.

Nagtamo ito ng walong tama ng bala ng baril. Apat sa ulo at apat sa katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Hinahawakan din ni Marasigan ang kasong administratibo laban sa mga parak na sangkot sa carjack-slay.

vuukle comment

CAMP CRAME

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

JAWORSKI

MAJOR MARASIGAN

MAPAYAPA COMPOUND BRGY

MARASIGAN

METRO MANILA

NAPAG

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with