Ang rekomendasyon ay ginawa matapos na makakita ng probable cause si Police Director Marcelo Ele Jr., Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) para isulong ang kaso makaraan ang isinagawang preliminary investigation.
Kasabay nito, itinalaga naman ni Lomibao si Sr. Supt. Wilben Mayor ng PNP-Civil Security Group (CSG) para mamuno sa proseso ng summary hearing sa kasong administratibo laban sa 14 kasapi ng TMG kaugnay ng grave misconduct at serious neglect of duty.
Ang 14 TMG personnel na nahaharap sa kasong administratibo ay kinilalang sina PO2 Mario Aresta, PO2 Renato Salinas, PO1 Jeffrey Abiad, PO1 Joseph Martin, PO3 Jerry Atanacio, PO1 Raxciel Naprato, PO1 Reynaldo Pedregoza, SPO2 Jaime de Guzman, PO2 Marcelino Dacoylo, PO2 Arthur Olosan, PO2 Gan Delgado, PO2 Norman Interino, PO2 Ruben Mission at PO2 Michael Lescano.
Nabatid na ang mga ito ay pawang crew ng apat na mobile units na sangkot sa pagratrat sa Toyota Vios ng business executive na si Randolf Clarito na nasugatan sa insidente.
Kaugnay nito, inirekomenda rin ni Ele na patawan ng 90 araw na suspensiyon sina Aresta, Salinas at Abiad na nahaharap naman sa karagdagan pang kasong conducting operation without authority and physical injuries. (Joy Cantos)