2 inatado ng 3 kilabot na tulak
March 30, 2006 | 12:00am
Dalawa katao ang napatay, habang isa pa ang sugatan makaraang pagsasaksakin ng umanoy tatlong drug pusher, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Quezon City General Hospital ang mga biktimang sina Charles Gemao, 26 at Onofre Torres, 28, habang nilalapatan naman ng lunas sa nasabi ding ospital si Rockwell Chavez Fernandez.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa Aquino St., Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro Project 8, Quezon City.
Lumilitaw na naglalakad ang mga biktima ng biglang harangin ng mga suspect na isa dito ay nakilala lamang sa pangalang Burog.
Nagkaroon ng komprontasyon ang grupo ng biktima at mga suspect hanggang sa humantong sa pananaksak ng grupo ng huli sa mga biktima.
Mabilis na tumakas ang tatlong suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa pulisya posibleng may atraso ang mga biktima sa mga suspect kung saan si alyas Burog ay kilala umanong kilabot na tulak ng droga sa lugar at matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am