Mayor inireklamo sa pagwawala sa bar
March 29, 2006 | 12:00am
Inireklamo ang isang mayor ng Lanao del Sur makaraang magwala sa loob ng isang bar kahapon ng madaling-araw sa Ortigas, Pasig City.
Ang inireklamo ay si Mayor Benjamin Bagul, ng Balintong Lanao del Sur. Ito ay nahaharap sa kasong grave threat, malicious mischief at unjust vexation matapos na ireklamo ng negosyanteng si Patricia Collantes, 34, may-ari ng Decades Bar na matatagpuan sa Metrowalk Strip Mall sa kahabaan ng Meralco Avenue, Ortigas ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng madaling-araw matapos na uminom ang suspect sa nasabing bar at nang malasing ay nagsimula ng magbasag ng bote at pinagtataob ang lamesa dahilan upang matakot ang mga kostumer at maglabasan.
Sinikap namang payapain ni Collantes ang suspect subalit pinagbantaan pa siya nitong papatayin, dahilan upang humingi ng tulong ang una sa pulisya.
Hindi naman inabutan ng pulisya si Mayor Bagul na agad na umalis matapos ang ginawang eksena sa naturang bar. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 27, 2024 - 12:00am