104 convicts, inalis na sa death row
March 29, 2006 | 12:00am
Mula sa death row, inilipat na sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ang may 104 na death convict makaraang ibaba na lamang sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa kanila.
Itoy matapos na aprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kamakailan lamang ang commutation o pagbaba ng kanilang sentensiya.
Ito naman ay base na rin sa rekomendasyon ng Board of Pardon and Parole ng Deparment of Justice (DOJ).
Ngunit ayon kay Bureau of Corrections director Vicente Vinarao, sasailalim muna sa orientation ng Research and Development Division ng NBP ang 104 na preso bago sila tuluyang ilipat sa kani-kanilang bagong selda.
Nilinaw ng NBP, na hindi kabilang sa mga nabigyan ng commutation ang mga nahatulan dahil sa heinous crime, tulad ng kidnap for ransom, rape at ipinagbabawal na gamot. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest