Iba pang QC hall, BFP officials namemeligrong makasuhan
March 28, 2006 | 12:00am
Pinangangambahang marami pang bilang ng mga opisyal ng Quezon City Hall at Bureau of Fire Protection (BFP) ang maaaring makasuhan dahil sa kapabayaan sa pagbibigay ng permits sa mga takaw-sunog na establisimento sa lungsod partikular na sa Novaliches.
Nitong nakaraang linggo ay limang opisyal ng QC hall at BFP ang nakasuhan kaugnay sa naganap na sunog sa Manor Hotel kamakailan na ikinamatay ng mahigit sa 70 katao.
May ilang mga residente sa lungsod partikular sa Novaliches ang nagpahiwatig ng pangamba sa mga di umanoy "fire hazard" o takaw-sunog na establisimento.
Ito naman ay agad na inaksiyunan ni QC Mayor Feliciano Belmonte sa pamamagitan ng pag-uutos sa QC fire at business permit and licensing office na higpitan ang issuance ng permiso sa mga establisimentong mapapatunayang mga fire hazard.
Ang hakbang ay ginawa ni Mayor Belmonte kasabay sa selebrasyon ng buwan ng "Fire Safety and Protection" ng Buraeu of Fire Protection sa ilalim ng DILG ngayong Marso.
Ilan ding high-rise motels sa Novaliches ang inireklamo makaraang mapag-alamang walang mga "sprinkles" at iba pang safety precautionary measures.
Ito naman ay ipinasisiyasat ni Mayor Belmonte. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended