3 sugatan sa grenade explosion
March 28, 2006 | 12:00am
Niyanig ng pagsabog ang isang barangay sa Makati City makaraang hagisan ng granada ang isang grupo ng kalalakihang nag-iinuman na ikinasugat ng tatlo katao kabilang ang isang pulis, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga sugatang biktima na sina PO2 Erick Ramos, miyembro ng Makati City Police; Nilo Lagunero, 34 at Arsenio Oriente.
Nadakip naman ang suspect na nakilalang si Fernando Colinas, retiradong miyembro ng Phil. Army na nahaharap ngayon sa kasong attempted murder, resisting arrest at alarm scandal.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktimang si Lagunero sa Block 169, Lot 4, Calachuchi St., Brgy. Pembo, Makati City.
Napag-alaman na nag-iinuman ang mga biktima nang mapadaan ang suspect na inalok na sumama sa inuman.
Sa gitna ng inuman ay ipinagyabang ng suspect na may nakatago siyang MK 2, isang uri ng granada sa kanyang bulsa.
Inakalang binobola sila ng suspect, nangulit umano si Lagunero na ipakita sa kanila ang granada. Nagalit naman ang suspect dahil sa pakiramdam na hindi siya pinaniniwalaan ng mga biktima.
Saglit na tumayo sa inuman si Colinas at nang bumalik ay walang sabi-sabing inihagis ang granada sa gitna ng mga biktima at saka sumabog.
Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad kung saan nadakip ang papatakas na sanang suspect, habang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended