Sa inisyal report ng pulisya, dakong alas 2 ng hapon ng pasukin ng mga awtoridad ang Labradores Compound sa Brgy. Rizal Makati City matapos na makatanggap ng impormasyon ng pagkakaroon ng talipapa ng shabu sa lugar.
Una dito, isang police asset ang nagpanggap na buyer at ng makumpirma ay agad na sinalakay ang lugar.
Nakuha ng mga awtoridad ang hindi pa mabatid na gramo ng shabu habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165. (Lordeth Bonilla)