Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Leonardo Abelado, 51, ng Rosal Ext. Payatas A, Quezon City matapos na magtamo ng sampung saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantalang isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa tumakas na suspect na si Nunardo Dingle, 48.
Sa report na tinanggap ni Supt. Popoy Lipana, hepe QCPD-CID, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng Domengs Videoke Bar sa Rosal Ext. Payatas, Quezon City.
Lumilitaw na nag-iinuman ang biktima at apat pang kaibigan nito sa loob ng bar nang biglang dumating ang suspect na lasing na lasing sa alak.
Dala ng matinding kalasingan, kinompronta umano ng suspect ang biktima hinggil sa matagal na nilang alitan.
Nagalit umano ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong sa pananaksak ng suspect sa una. (Doris Franche)