Pulis QC, patay sa karibal
March 27, 2006 | 12:00am
Patay ang isang pulis Quezon City makaraang apat na ulit na paputukan ng malapitan ng kanyang kalaban sa negosyo kahapon ng umaga sa Pasig City.
Namatay habang ginagamot sa Pasig City General Hospital ang biktimang si SPO2 Ramon Borre, 53, ng 13126 Blk. 14, Eusebio Ave. Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Agad namang nakilala ang nakatakas na suspect na si Abi Palanas, umanoy kalaban sa negosyo ng biktima at isa pang lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo.
Ayon kay PO3 Rogelio Baltazar, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.
Kasalukuyan nitong pinaaarawan ang anim na buwang apo nang biglang lumapit ang suspect na armado ng baril habang sakay ng motorsiklo.
Walang sabi-sabing binaril ng suspect ng apat na beses ang biktima sa ulo at katawan. Hindi naman tinamaan ang apo ng biktima na yakap-yakap nito.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ng kanyang mga kapitbahay ang biktima subalit binawian din ng buhay.
Nabatid na matagal nang may alitan sa negosyo ang biktima at suspect na humantong pa sa demandahan sa barangay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended