^

Metro

‘Na-uulol’ sa rabies dumarami

- Gemma Amargo-Garcia -
Nagbabala ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa panganib na dulot ng kagat ng aso o rabies na inaasahang tumataas tuwing summer.

Ang babala ay ginawa ng departamento matapos maitala ang may kabuuang 113,379 katao na naging biktima nito noong nakalipas na taon. Mga batang may edad 15-anyos pababa ang iniulat na nakagat ng mga asong ulol na may taglay na rabies noong nakalipas na taon.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque na sa kabuuang 113,379 ay 270 sa mga ito ang nasawi dahil na rin sa pagwawalang-bahala ng kanilang mga kapamilya at magulang.

Idinagdag pa ni Duque na tumataas ang insidente ng ‘animal bite’ sa tuwing sumasapit ang buwan ng Marso at Abril kung saan ay walang pasok ang mga batang mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan.

Aniya, nagkakaroon umano ng mahabang oras ang mga bata para makipaglaro sa kanilang mga alagang aso at pusa sa tuwing sumasapit ang araw ng bakasyon.

Tinukoy ng DOH National Rabies Prevention and Control Program (NRPCP) ang apat na lugar sa bansa na nangunguna sa pinakamaraming nasawing bata dahil sa ‘animal bite’. Ito ay ang Bicol region na may 38 katao ang nasawi; sa Central Luzon ay nakapagtala ng 35 ang namatay; Western Visayas ay 30 at Calabarzon ay 23.

Bagamat marami rin ang insidente ng ‘animal bite’ sa Metro Manila ay kaagad namang nadadala sa pampublikong pagamutan ang mga biktima tulad ng San Lazaro Hospital sa Maynila, Bureau of Animal Industry sa Quezon City at Research Institute for Tropical Medicine sa Alabang.

Ayon pa kay Sec. Duque, puspusan ang isinasagawang kampanya ngayon ng DOH hinggil sa panganib na hatid ng rabies at hindi umano dapat ipagwalang-bahala ng publiko sa halip ay pinapayuhan na agad na magtungo sa mga pagamutan sa oras na may miyembro ng pamilya na nakagat ng aso o pusa.

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

METRO MANILA

NATIONAL RABIES PREVENTION AND CONTROL PROGRAM

QUEZON CITY

RESEARCH INSTITUTE

SAN LAZARO HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with