^

Metro

Imbestigasyon sa Umale case, tinutulugan ng PNP — Mrs. Umale

-
Kinuwestiyon ng pamilya at abogado ng pinaslang na negosyanteng si Leandro Umale ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya dahil matapos ang isang linggo ay wala pa ring linaw kung sino ang pumaslang dito.

Ayon kina Atty. Agnes Maranan at maybahay ng biktima na si Clarissa Victoria Umale, mukhang tinutulugan ng pulisya ang kaso ni Leandro dahil wala pa rin silang nakukuhang impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga gunman.

"They don’t seem to have done anything, isang linggo na makalipas na pinatay ang asawa ko pero wala pa rin silang ginagawa", saad ni Clarissa sa isinagawang panayam sa kanilang bahay sa Valle Verde 3 sa Pasig City patungkol sa isinasagawang imbestigasyon ng Task Force Umale na pinamumunuan ni EPD director Charlemagne Alejandrino.

"It’s been a week. Normally dapat may lead na sila. Nag-aalala kami sa takbo ng imbestigasyon. We are worried sa Task Force Umale", saad naman ni Atty. Maranan, abugado ng pamilya Umale.

Sinabi pa ni Clarissa na ito ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay ayaw pa rin nilang magbigay ng kanilang pahayag sa pulisya dahil sa may kabagalang imbestigasyon na isinasagawa dito.

Matatandaan si Ilocos Sur. Gov. Chavit Singson ang itinuturo ng pamilya Umale na siyang utak sa pagpaslang kay Leandro, na itinatanggi naman ng huli.

Magugunitang pinaslang ng apat na pinaniniwalaang hired killers si Leandro noong Marso 16 habang nag-aabang ito ng elevator paakyat sa kanyang tanggapan sa pagmamay-ari niyang Pearl Plaza na matatagpuan sa kahabaan ng Pearl Drive sa Ortigas Center sa Pasig City.

Nagtamo si Umale ng tatlong tama ng bala na karamihan ay sa ulo na ikinasawi nito. (Edwin Balasa)

AGNES MARANAN

CHARLEMAGNE ALEJANDRINO

CHAVIT SINGSON

CLARISSA

CLARISSA VICTORIA UMALE

EDWIN BALASA

LEANDRO

PASIG CITY

TASK FORCE UMALE

UMALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with