^

Metro

Shell nag-rollback sa gasolina, nagtaas sa diesel, kerosene

-
Nagpatupad ng 50 sentimos kada litrong rollback ang Pilipinas Shell sa kanilang produktong gasolina subalit itinaas naman nila sa kahalintulad na presyo ang tindang diesel at kerosene.

Ayon kay Shell Spokesman Bobby Kanapi dakong alas-6 kahapon ng umaga ng ipatupad nila ang rollback at pagtaas sa kanilang produktong petrolyo.

Paliwanag ni Kanapi na kaya hindi nila nai-rollback lahat ng kanilang produktong petrolyo ay dahil sa taas ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan lalo na sa Dubai Crude kung saan tayo kumukuha ng produktong petrolyo at ginagawang basehan kung magtataas o baba ang presyo nito sa lokal na pamilihan.

Samantala, tinuligsa naman ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang laban at bawi sa presyo ng petrolyo.

Sinabi ni PISTON Spokesman George San Mateo na bagamat nag-rollback sila ng presyo ng gasoline ay itinaas naman nila ang presyo ng kerosene at diesel na karamihang ginagamit ng mga tsuper.

Sa ngayon, ayon kay San Mateo ay umaabot na sa halagang P31.70 kada litro ang presyo ng diesel at sigurado umanong makakabawas na naman ito ng malaki sa kita ng mga tsuper lalo na ngayong bakasyon ang mga estudyante.

Nakatakda ring magsagawa ng malaking kilos protesta bukas ng umaga ang PISTON kasama ang iba pang militanteng grupo sa Plaza Miranda upang kalampagin ang pamahalaang Arroyo dahil sa walang habas na paglobo ng presyo ng petrolyo. (Edwin Balasa)

DUBAI CRUDE

EDWIN BALASA

OPERATOR NATIONWIDE

PILIPINAS SHELL

PINAGKAISANG SAMAHAN

PLAZA MIRANDA

PRESYO

SAN MATEO

SHELL SPOKESMAN BOBBY KANAPI

SPOKESMAN GEORGE SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with