^

Metro

Multiple murder vs Reyes, Lomibao nakaamba

-
Inihahanda na ng isang grupo ng mga Muslim na nakabase sa Taguig City at ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban kina dating DILG Secretary at ngayon ay DENR Secretary Angelo Reyes, dating PNP Chief Edgar Aglipay at kasalukuyang PNP chief Director General Arturo Lomibao hinggil sa naganap na Camp Bagong Diwa siege na ikinasawi ng mga pinaghihinalaang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf.

Ayon kay Anak Mindanao Partylist Representative Mujib Hataman na ang aksyon ay kanilang isasagawa matapos nilang matanggap ang ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na overkill umano ang ginawa ng mga awtoridad sa mga presong Abu Sayyaf.

Sa panig naman ng CHR sinabi ni Commissioner Wilhem Soriano na lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng excessive force sa hanay ng mga pulis nang pasukin ng mga ito ang Bicutan Jail noong Marso noong nakaraang taon.

Responsable umano ang mga nasabing opisyal dahil ang mga ito ang namuno nang isagawa ang pagsalakay sa Bicutan jail

Inihahanda na nila ang kaso laban sa mga nabanggit. Matatandaan na noong taong 2005, nasawi at nasugatan ang mga presong ASG makaraang i-hostage at patayin nila ang mga nakatalagang guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at kapwa nila mga preso. (Lordeth Bonilla, Doris Franche at Edwin Balasa)

ABU SAYYAF

ANAK MINDANAO PARTYLIST REPRESENTATIVE MUJIB HATAMAN

BICUTAN JAIL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF EDGAR AGLIPAY

COMMISSIONER WILHEM SORIANO

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

HUMAN RIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with