15-anyos patay sa rambol
March 23, 2006 | 12:00am
Isa na namang "gang war" ang sumiklab sa lungsod ng Maynila kung saan isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi makaraang mabaril sa gitna ng salpukan ng magkalabang grupo, kamakalawa ng gabi.
Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Marlon Iledan, isang out-of-school youth, at residente ng #1858 Oro B. cor. Estrada St., San Andres Bukid, Manila.
Nasa malubhang kalagayan naman sa loob ng Ospital ng Maynila matapos tamaan din ng bala ang isa pang biktima na si Ricky "Boy" Mercado, 19, binata at residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa kahabaan ng Zobel Roxas St., San Andres Bukid.
Nabatid na nagwawala ang isang hindi nakilalang kabarkada ng mga biktima sa harapan ng isang bakery nang biglang dumating ang isang grupo ng mga kabataan at paulanan sila ng bato.
Dito na nagkaroon ng suntukan sa pagitan ng mga kabataan sa magkabilang grupo hanggang sa umalingawngaw ang ilang putok ng baril.
Agad namang bumulagta sina Iledan at Mercado nang sila ang minalas na tamaan ng mga bala habang mabilis na nagsitakas ang mga sangkot sa naturang rambol.
Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang mga sangkot sa naturang rambol at mapanagot sa krimen ang mga suspect na bumaril sa mga biktima. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest