3,000 OFWs kailangan sa Italy
March 22, 2006 | 12:00am
Magandang balita para sa mga manggagawang Pinoy na nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa! Nangangailangan ng may 3,000 OFWs sa bansang Italy.
Base sa report, ang Italy ang isa sa Top Ten OFW destination ng mga OFWs sa buong mundo matapos na tumanggap at magpabalik doon ng may 21,267 documented Pinoy workers nitong 2005.
Sa ulat ni Philippine Labor attache to Rome Alicia Santos sa Labor Department, may quota na 3,000 trabaho na nakalaan sa mga OFWs matapos ang pagpupulong sa pagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ang Ministero del Lavoro e delle Politiche Sociali (Ministry of Labor and Social Policy) ng Italy kamakailan.
Sinabi ni Santos na ang alokasyong 3,000 OFWs ay base na rin sa ipinatutupad ng Italy na Decree on Immigration Quota for Non-European Citizens na pumapabor sa ilang foreign workers kabilang na ang mga manggagawang Pinoy.
Mula sa 3,000 job opportunities, 1,000 dito ay mga managers at skilled workers habang ang nalalabi ay mga Pinoy domestic helpers.
Nagpahayag na rin si Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na bukas ang Pilipinas sa pagbibigay ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa na makakatulong rin sa ekonomiya ng bawat bansa.
Idinagdag ni Santos na nitong Pebrero 18, 2006 ay nagpalabas na ng application forms o kits ang mga Italian employers sa mga bakanteng trabaho para sa mga Pinoy workers na nakapaskil naman sa ibat ibang tanggapan sa nasabing bansa. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended