Shabu house sa Quiapo sinalakay
March 22, 2006 | 12:00am
Sinalakay ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang tinaguriang shabu house kung saan nakumpiska ang may P7.5 milyong halaga ng droga. Isang suspect ang iniulat na nasawi sa naganap na shootout sa pagitan ng mga operatiba kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Jessie Lloyd Salgano, 22, estudyante.
Umaabot naman sa 50 katao ang dinampot ng mga pulis sa operasyon kung saan siyam ang nakatakdang sampahan ng kaso dahil sa kaugnayan sa naturang shabu den.
Base sa inisyal na ulat, naganap ang pagsalakay dakong alas-9:45 ng umaga sa bahay sa #14 Fraternal St., Quiapo sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Antonio Eugenio Jr., ng Manila Regional Trial Court Branch 2.
Sinabi ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, na nadiskubre sa naturang bahay ang tatlong kilo ng shabu na P7.5 milyon, shabu paraphernalias at dalawang video karera.
Isang kuwarto naman ang binuksan ng operatiba kung saan tumambad ang apat na lalaki na armado ng mga baril, granada at dinamita. Nakipagpalitan umano ng putok ng baril ang mga ito sa mga pulis kung saan nasawi si Salgano habang nakatakas naman ang tatlo nitong kasamahan.
Bukod dito, bigo ang mga pulis na maaresto ang may-ari ng naturang bahay na si Jay-ar Paez. Isinailalim na ito sa malawakang operasyon.
Nadiskubre rin ng mga pulis ang isang kuwarto na naglalaman ng mga television monitor na nakakabit sa mga wire ng surveillance camera na gamit ng sindikato para ma-monitor kung sino ang mga dumarating sa naturang lugar.
Bago ito, nabatid na unang pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar dakong alas-4:30 ng madaling-araw kung saan agad na nakatakas ang mga suspect sa pamamagitan ng "escape door" at pagsakay sa bangka sa Ilog Pasig.
Nabigyan naman ng tip ang pulisya buhat sa isang asset sa pagbalik ng mga suspect kaya oras lamang ang pagitan ay muli itong sinalakay.
Sinabi ng pulisya na ang naturang sindikato ang supplier ng droga sa mga estudyante sa Quiapo dahil sa likod lamang ng bahay ang mga malalaking unibersidad sa Maynila. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended