WPD cops nagduwelo sa checkpoint
March 21, 2006 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang pulis-Maynila makaraang makipagduwelo sa isang kapwa niya pulis nang hindi magkasundo sa ginagawa nilang checkpoint sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nilalapatan ngayon ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa pige si SPO1 Roberto Valenzuela, nakatalaga sa MPD-Station 4.
Inaresto naman ng mga kapwa pulis ang nakabaril na si PO1 Donato Jethro Tabinas, nakatalaga rin sa Station 4.
Sa inisyal na ulat ng MPD-General Assignment Section (GAS), dakong alas-11:20 ng gabi nang magbarilan ang dalawa habang nagsasagawa ng checkpoint kasama ang may anim pang pulis sa may panulukan ng Lacson at Alcantara St., Sampaloc, Maynila.
Nabatid na nagtalo ang dalawa nang bigyan umano ng clearance ni Valenzuela na makaalis na ang isang sasakyan na iniinspeksyon pa ni Tabinas.
Halos sabay na nagbunot ng baril ang dalawang pulis ngunit mas naunang nakapagpaputok si Tabinas. Hindi naman pinatakas ng mga kasamahang pulis si Tabinas na kanilang ipinasa sa GAS.
Agad na ipinag-utos ng pamunuan ng WPD ang pagdisarma sa dalawang pulis at suspendihin sa serbisyo habang isinasailalim sa mas malalim na imbestigasyon. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended