^

Metro

Fetus, nginatngat ng daga

-
Halos maubos ang isang fetus nang madiskubreng nginangatngat ng isang daga matapos na matagpuan sa isang basurahan kahapon ng umaga sa Intramuros, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang fetus na nakabalot sa isang tela sa basurahan sa kanto ng Arsobispo at Soriano Ave. sa Intramuros, Maynila.

Nabatid na unang nakita ang fetus ng isang basurero habang pinagpipiyestahan ng mga langgam at kinakain ng mga daga ang katawan nito.

Tinatayang nasa pagitan ng tatlo hanggang apat na buwan ang fetus na itinapon ng walang konsensiyang ina. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARSOBISPO

DANILO GARCIA

FETUS

INTRAMUROS

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

SORIANO AVE

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with