Tuloy ang laban!
March 20, 2006 | 12:00am
Tiniyak ng pamilya ng pinatay na negosyanteng si Leonardo Umale na itutuloy nila ang kanilang laban at hindi sila titigil hanggat hindi nila nakakamit ang hustisya.
Ang paniniyak ay ginawa ni Clarissa Victoria o Vicky, misis ni Leonardo kasabay ng paghahatid sa huling hantungan nito sa Christ the King Memorial Park matapos na ma-cremate.
Ayon kay Vicky patutunayan nilang si Ilocos Gov. Chavit Singson ang mastermind ng pagpatay sa kanyang asawa batay na rin sa testimonya ng kanyang mga saksi. Ihaharap lamang nila ito sa korte sa takdang panahon upang masiguro ang seguridad nito.
Aniya, alam niyang malaking tao ang kanilang makakalaban kung kayat kailangan nila ang pag-iingat upang hindi mabasura ang kanilang ipinaglalaban.
Matatandaan na una na ring itinuro ni Vicky si Singson na utak ng pamamaslang sa kanyang asawa dahil ito ang may pinakamalaking motibo upang isagawa ang krimen. Subalit ang akusasyon ay mariin namang itinanggi ng gobernador.
Ayon naman sa pulisya, hindi maaaring imbestigahan si Singson at gawing suspect kung walang testigong lulutang at magsasabing may partisipasyon ang gobernador sa nasabing pagpatay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended