^

Metro

1 arestado, 6 tugis sa gang rape sa Caloocan

-
Arestado ang isang 40-anyos na lalaki, habang pinaghahanap pa ang anim na kasamahan nito na nang-gang rape sa isang 18-anyos na dalaga, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyan na ngayong naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang suspect na si Gerry Buncalan, residente ng 1169 Lirio St., Brgy. 175, nabanggit na lungsod.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa anim pang mga kasaman ni Buncalan na sina Guerrero Gay, Jonathan, Pado Pilanin, Buboy Araza, Leonor Tapang at isa pa na pawang mga kapitbahay nito.

Batay sa ulat, tinatayang alas-6 ng gabi nang umano’y pagtulungang gahasain ng mga suspect ang isang 18-anyos na dalaga na itinatago lamang sa pangalan na Nora, residente ng Sitio Matarik, Camarin, Caloocan City.

Nabatid na pinilit umano ng mga suspect ang biktima na uminom ng alak hanggang sa malasing ito at kanilang pinagtulungang gahasain.

Naaresto si Buncalan, habang nakatakas naman ang mga kasamahan ng una nang magsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad namang dumulog sa pulisya. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BUBOY ARAZA

BUNCALAN

CALOOCAN CITY

GERRY BUNCALAN

GUERRERO GAY

LEONOR TAPANG

LIRIO ST.

PADO PILANIN

ROSE TAMAYO TESORO

SITIO MATARIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with