Nakawan ng motorsiklo talamak
March 19, 2006 | 12:00am
Pinakilos na ng PNP-Traffic Management Group ang lahat ng kanyang district commanders kasunod ng nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bansa.
Ayon kay PNP-TMG Director C/Supt. Erol Pan, may kabuuang 204 kaso ng motorcycle theft sa buong bansa sa first at 2nd quarter pa lamang ng taong 2006.
Ang hakbang ay ginawa ni Pan makaraang maalarma ang kapulisan kaugnay ng biglaang pagtaas ng kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bansa.
Sa talaan ng TMG, pinakamataas na insidente ay mula sa Metro Manila, sumunod sa Region 4 o Southern Tagalog at ikatlo ang Region 3 o Central Luzon.
Sinabi ng opisyal na dapat ingatan ng mga motorcycle owners ang kanilang mga sasakyan dahil walang pinipiling araw at oras ang sindikato kung bumanat sa kanilang operasyon.
Wala rin anya sa mga report na sapilitang nakuha ang motor ayon sa 204 kaso na kanilang naitalang nananakaw.
"Kung mapapansin niyo sa lahat ng insidente, walang forcibly taken, napakadali kasing nakawin ng motorsiklo at napakadali ring ibenta," sabi pa ni Pan. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended