^

Metro

Ginang inatado ng lover, patay

-
Isang ginang ang nasawi matapos na pagsasaksakin ng kanyang live-in partner dahil sa sobrang selos hinggil sa pakikipagrelasyon umano ng una sa ibang lalaki sa lungsod ng Caloocan, iniulat kahapon.

Ang biktima na nagtamo ng dalawampu’t limang tama ng saksak sa katawan ay kinilalang si Estrella Reyes, 36, vendor, ng NPC Lines,Whispering Palm, Purok Kaybiga, Brgy. 167, Llano, sa lungsod na ito. Siya ay nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Samantala, sugatan din ang suspect na si Alex Mahinay, tubong Butuan City at naninirahan sa nasabing lugar matapos na mabaril ito sa tagiliran ng awtoridad matapos na tangkaing manlaban habang inaaresto.

Ayon sa ulat ni PO2 Allan Budios, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng bahay ng dalawa nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Sinasabing inakusahan ng suspect ang biktima na nakikipagrelasyon sa ibang lalaki kung kaya humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa tuluyang magalit ang una at pagsasaksakin ang huli.

Mabilis namang humingi ng saklolo ang mga residente sa awtoridad at agad na rumesponde. Ngunit pagsapit sa lugar ay hindi kaagad sumuko ang suspect.

Subalit makalipas ang halos dalawang oras na negosasyon ay lalo lamang naging marahas ang suspect kung kaya’t nagpasya ang tropa ng Special Weapons and Tactics (SWAT) sa pamumuno ni Insp. Abubakar Magelan na pasukin na ito.

Habang papasok ang mga awtoridad ay biglang umatake ang suspect at akmang sasaksakin si Magelan na naging dahilan para ito paputukan ng iba pang kagawad ng pulisya. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABUBAKAR MAGELAN

ALEX MAHINAY

ALLAN BUDIOS

BUTUAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ESTRELLA REYES

PUROK KAYBIGA

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with