^

Metro

Carjackers sumalakay sa Mandaluyong

-
Dalawang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kilabot na carjacking syndicate ang sumalakay sa Mandaluyong City kung saan puwersahang tinangay ang isang pampasaherong Toyota Revo kamakalawa ng gabi.

Ayon sa biktimang si Luis Amor, 50, driver ng Revo taxi na may plakang TVS-821 na dalawang hindi nakikilalang lalaki na nagpakilalang militar na nagpanggap pang mga pasahero ang puwersahang kumuha sa kanyang sasakyan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa kahabaan ng Edsa sa harap ng Victor Potenciano Medical Center, Brgy. Hi-way Hills sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat, tinutukan umano si Amor ng baril ng mga suspect at puwersahang kinuha ang kanyang pinapasadang taxi.

Ayon naman sa bagong talagang director ng PNP Traffic Management Group (PNP-TMG) Chief Supt. Errol Pan na may lead na sila sa pagkakakilanlan sa mga carjackers na nagsasagawa ng ilegal na aktibidades sa Quezon City.

Nanawagan din si Pan sa publiko na agad na ireport sa Patrol 117 o i-text sa 2920 ang mga insidente ng carjack upang agad na maaksiyunan. (Edwin Balasa at Joy Cantos)

AYON

CHIEF SUPT

EDWIN BALASA

ERROL PAN

JOY CANTOS

LUIS AMOR

MANDALUYONG CITY

QUEZON CITY

TOYOTA REVO

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

VICTOR POTENCIANO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with