^

Metro

Koreano pinaslang sa loob ng kotse

-
Matapos na mawala ng dalawang araw, patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kotse ang isang reporter na Korean national dahil sa tatlong tama ng bala sa dibdib kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ku Kug Jin, 45, may asawa, reporter ng Korean Post na may circulation sa South Korea, at residente ng #93 Patag St., BF Homes, Parañaque City.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng dayuhan sa loob ng kanyang silver na Ford Escape (XNA-233) na nakaparada sa may Gen. Luna St., Paco.

Isa umanong mangangalkal ng basura ang unang nakadiskubre sa biktima matapos na silipin ang tinted na salamin nito. Dito nito ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pagkakatagpo na rumesponde naman sa lugar na naging daan sa pagkakarekober sa bangkay.

Base sa imbestigasyon ni Detective Diomedes Labarda, sinabi ng mga kaanak ng biktima na nawawala pa buhat noong nakaraang Lunes (Marso 13) ang biktima nang umalis sa kanyang bahay at hindi na bumalik. Humingi na rin naman ng tulong ang mga ito sa pulisya upang agad na mahanap ang biktima.

Nakatutok ngayon ang pulisya sa dalawang anggulo, ang sigalot sa negosyo at sa pag-ibig. Ibinasura naman ang anggulo na pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil sa wala namang nawawala sa mga gamit ni Jin sa loob ng kotse at maging sa bahay nito.

Nabatid na isa sa may-ari ng beach resort na "Full House" si Jin sa may Anilao, Batangas. Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa mga kasamahan nito sa negosyo upang makakuha ng lead sa kaso. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DETECTIVE DIOMEDES LABARDA

FORD ESCAPE

FULL HOUSE

HOMICIDE SECTION

KOREAN POST

KU KUG JIN

LUNA ST.

PATAG ST.

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with