^

Metro

Trader biktima ng carjack

-
Muli na namang umatake ang mga carjacking syndicate matapos na biktimahin ang isang negosyanteng Tsinoy, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ayon sa biktimang si Elton Ong, 42, ng Matimtiman St., Brgy. Sikatuna, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling-araw habang ipinaparada ng kanyang driver ang sasakyan sa harap ng isang restaurant sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Dalawang armadong lalaki ang biglang lumapit sa kanyang driver na si Cesar Cristobal at tinutukan ito ng baril sabay agaw ng susi ng Volkswagen na may plakang USE-999.

Nagtataka naman si Ong kung bakit walang nagpapatrulyang mga pulis sa lugar gayung madalas sabihin umano ng pamunuan ng Quezon City Police District na lalo pang pinaiigting ang kanilang checkpoints at monitoring sa carjackers.

Gayunman, napilitan na lamang na magtungo si Ong sa anti-carnapping division ng QCPD upang ireport ang pagtangay sa kanyang sasakyan kung saan sinabi naman ng mga pulis na magsasagawa sila ng follow-up operation upang matukoy at mahuli ang suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

CESAR CRISTOBAL

DORIS FRANCHE

ELTON ONG

ESGUERRA ST.

MATIMTIMAN ST.

ONG

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with